May Mga...




May Mga...

by Kiko Comendador on Sunday, August 1, 2010 at 11:43am

May mga panahong gusto mong maging ganap,

May mga kaganapang hindi pa hanap.

May mga taong nais nating lapitan o iwasan,

May mga tao ring hindi natin maalpasan.

May mga alitang mababaw at panandalian,

May mga di-pagkakaunawang malalim at matagalan.

May mga alaalang gusto mo nang kalimutan,

May mga alaalang di mo malilimutan kahit kailan.

May mga damdamin tayong nasaktan at nasasaktan,

May mga damdaming binitiwan o iniingatan.

May mga relasyon kang pinasok at iniwan,

May mga relasyong pinangarap na walang katapusan.

May mga bahay tayong ginustong alisan,

May mga tahanang hinding hindi natin maiwan.

May mga pamilyang nawawasak kahit buuin,

May mga pamilyang nabubuo kahit hindi pilitin.

May mga babaeng ayaw - mahalin man natin,

May mga babae ring takot magmahal at nakakabitin.

May mga lalaking gusto nang maging ama pero walang ina,

May mga lalaking handang maging ama kahit sa hindi anak nila,

May mga tunay kang mahal na kapatid at kapatid na itinuring,

May mga kapatid kang inakala pero sa huli’y wala rin.

May ina kang pinanggalingan at mamahalin magpakailanman,

May mga ina ring maiibigan at mamahalin ng tuluyan.

May mga anak kang papangarapin at maaaring akuin,

May mga anak at ampong hindi ka kakayaning mahalin.

May mga namamatay ng minsan ngunit buhay sa habampanahon,

May mga buhay pa ngunit mas nanaisin mo pang ibaon.

May mga araw at gabing maligaya at ayaw mong magwakas,

May mga gabi at araw ring nagtatapos sa luha at pahimakas.

May mga bagay akong taos na ibinulong sa iyo,

Maraming salamat dahil narinig at pinakinggan mo ito.

Kiko, Hulyo 26, Sabado, 10:00 NG

Comments

Popular posts from this blog

Ang Demonisasyon ng Paglaya: Paano Ginawang “Salot” ang Demokratikong Pakikibaka

BULAHAW, BULAHAW, KAILAN KA PAPANAW

Mga Teatro ng Kakayahan, Komadrona ng Kabulukan