Posts

Showing posts from June, 2011

May Mga...

Image
May Mga... by Kiko Comendador on Sunday, August 1, 2010 at 11:43am May mga panahong gusto mong maging ganap, May mga kaganapang hindi pa hanap. May mga taong nais nating lapitan o iwasan, May mga tao ring hindi natin maalpasan. May mga alitang mababaw at panandalian, May mga di-pagkakaunawang malalim at matagalan. May mga alaalang gusto mo nang kalimutan, May mga alaalang di mo malilimutan kahit kailan. May mga damdamin tayong nasaktan at nasasaktan, May mga damdaming binitiwan o iniingatan. May mga relasyon kang pinasok at iniwan, May mga relasyong pinangarap na walang katapusan. May mga bahay tayong ginustong alisan, May mga tahanang hinding hindi natin maiwan. May mga pamilyang nawawasak kahit buuin, May mga pamilyang nabubuo kahit hindi pilitin. May mga babaeng ayaw - mahalin man natin, May mga babae ring takot magmahal at nakakabitin. May mga lalaking gusto nang maging ama pero walang ina, May mga lalaking handang maging ama kahit sa hindi anak nila, May mga tunay kang mahal na k...