Panahon...
PANAHON
Kung nais mong yumabong ang ating pag-ibig
Masdan mo ako
Haplusin mo ako
Damhin mo ako
At bigyan ako ng panahon.
Panahon ang iyong pinakamahalagang handog
Sa pamamagitan nito namumulat ako sa iyo
Sa iyong mga pangangailangan
Sa iyong mga kagustuhan
Sa atin.
Kailangan natin ng panahon
Na maglakad
Na magusap
Panahon na magkasama
Sa
Nakasasapat na katahimikan
O
Nagagalak nating katauhan.
Hangga’t di mo ako bibigyan ng panahon
Hindi ako lalago
Hindi ako makapagbibigay sa iyo ng panahon
O pag-ibig
O ng aking sarili.
Nakalulungkot ang wala ka
Nakapanlulumo ang iyong paglisan
Kailangan ko pa ng panahon.
Panahon… ang kaaway
At matalik na kaibigan
Kontradiksyon.
Kung nais mong yumabong ang ating pag-ibig
Masdan mo ako
Haplusin mo ako
Damhin mo ako
At bigyan ako ng panahon.
Panahon ang iyong pinakamahalagang handog
Sa pamamagitan nito namumulat ako sa iyo
Sa iyong mga pangangailangan
Sa iyong mga kagustuhan
Sa atin.
Kailangan natin ng panahon
Na maglakad
Na magusap
Panahon na magkasama
Sa
Nakasasapat na katahimikan
O
Nagagalak nating katauhan.
Hangga’t di mo ako bibigyan ng panahon
Hindi ako lalago
Hindi ako makapagbibigay sa iyo ng panahon
O pag-ibig
O ng aking sarili.
Nakalulungkot ang wala ka
Nakapanlulumo ang iyong paglisan
Kailangan ko pa ng panahon.
Panahon… ang kaaway
At matalik na kaibigan
Kontradiksyon.
Comments